Kailangang sumailalim sa operasyon ang isang 34-anyos na lalaki matapos na aksidenteng mabaril umano nito ang sarili sa lalawigan ng Apayao nang subukan nitong paputukin sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Ayon kay Dr. Stanley Agor, emergency department head ng Cagayan Valley Medical Center, tinamaan ng bala sa kaliwang kamay at kailangang operahan ang lalaki

Aniya, nang hawakan ng biktima ang kanyang homemade na baril para paputukin ay bigla umano itong pumutok pabalik sa kanya.

Samantala, sa pinakahuling datos ng CVMC ay umabot na sa lima ang naitalang nasugatan dahil sa paputok.

Sinabi ni Agor na agad namang nakalabas sa pagamutan ang mga sugatan matapos mabigyan ng paunang lunas kung saan isa sa mga biktima ang galing sa bayan ng Iguig at dalawa ang mula sa Solana at dalawa naman ang naitala sa Tuguegarao City.

-- ADVERTISEMENT --

Ang mga biktima ay nagtamo ng minor injuries na natamaan ng mga paputok tulad ng kwitis, pla-pla at fountain

Saad ni Agor, dalawa sa mga biktima ay hindi gumamit ng paputok at ang pinakabata ay 12-anyos at 62 naman ang pinaka-matanda.