Tuguegarao City- Sasampahan ng kaso ang isang netizen matapos magpakalat ng fake news sa social media sa kaugnay sa lumalaganap na COVID-19 partikular sa bayan ng Allacapan, Cagayan.
Kinilala ang suspek na si Carlie Tabaldo, 34 anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Centro West, Allacapan, Cagayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay PCAPT Nestor Pascual, hepe ng PNP Allacapan, inaresto si Tabaldo matapos magpost sa kanyang social media account na sinasabing may positibong kaso ng COVID-19 sa kanilang bayan.
Ayon kay Pascual ay nagdulot ng panic sa publiko ang post ng naturang suspek.
Paliwanag aniya ni Tabaldo ay napagkatuwaan lamang nito ang pagpopost sa kanyang facebook account.
Sa ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10175 o Cybercrime Act si Tabaldo.