Nagpapagaling na sa pagamutan ang isang manggagawa matapos na saksakin nang umawat ito sa away ng magkapatid sa bayan ng Baggao, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Michael Maret, 27-anyos habang ang suspek ay si Villamor Flores, 26-anyos, kapwa residente sa Barangay Imurung.

Una rito, lasing na dumating si Jessie Flores at nanghamon ng away sa kainuman ng kanyang kapatid na si Robertson Valdez na nagresulta sa suntukan ng dalawa noong hapon ng September 19.

Bagama’t naawat ay hindi nakuntento si Jessie kung kaya pinuntahan niya si Flores at pinagbabato ang kanyang bahay, dahilanupang awatin siya ng kanyang kapatid na si Villamor na nagresulta sa suntukan ng dalawa.

Dahil dito, kaagad namagitan sa away ng magkapatid si Michael subalit bigla umano siyang sinaksak ni Villamor sa kanyang kanang balikat.

-- ADVERTISEMENT --

Kaagad nahuli ang suspek na nahaharap sa kasong frustrated murder.