
Nahuli ang isang lalaki na wanted sa kaso ng pagpatay sa isang security guard sa Pasig City noong 2011 matapos ang mahigit isang dekadang pagtatago.
Natunton ang suspek sa Dimasalang, Masbate.
Ang suspek, dating officer-in-charge ng isang security agency, ay wanted sa kasong murder.
Ayon sa pulisya, away-trabaho ang posibleng motibo ng krimen, dahil umano sa hindi pagsunod ng biktima sa kanyang tagubilin.
Nagtago ang suspek sa Masbate matapos ang insidente.
-- ADVERTISEMENT --
Natunton siya ng mga awtoridad matapos makagawa ng traffic violation sa Pasig, kung saan nakasaad ang kanyang address, at ginamit ang impormasyon sa pamamagitan ng intelligence fusion upang mahanap siya sa Dimasalang.










