TUGUEGARAO CITY-Iniimbestigahan na ng PNP kung may kinalaman sa pakikipaghiwalay ng isang lalaki sa kanyang asawa ang motibo sa pamamaril sa kanya sa Rizal,Cagayan.
Ayon kay Police Senior Master Sgt. Roderick Diamsay ng PNP Rizal,nagtse-chainsaw umano si July Manayam kasama ng kanyang live-in partner sa bundok sa Brngy. Masi nang may narinig na dalawang putok ng baril ang babae.
Dito na nakita ng babae na natumba ang kanyang kinakasama kaya agad niya itong nilapitan.
Subalit,apat na lalaki ang lumapit sa kanila na may dala umano na mahahabang armas at sinabihan ang babae na huwag kumilos.
Dito na umano pinagbabaril ng malapitan ang biktima ng 14 na beses na dahilan ng kanyang pagkamatay.
Sinabi ni Diamsay na una nang nagsampa ng kaso ang misis ng lalaki subalit iniurong din ito.