Nagsagawa ang Provincial Department of Health ng lalawigan ng Apayao ng physical activity event na tinawag nilang ‘Beat the Heat: Larong Pinoy Challenge para sa mga learners sa Calayucay Elementary School.

Ang nasabing eskwelahan ay isa lamang sa maraming benefeciaries ng nasabing event.

Ayon sa nasabing tanggapan, layunin ng nasabing aktibidad na buhayin ang traditional Filipino games at isulong ang healthy lifestyle sa mga mag-aaral.

Bilang pagkilala sa kahalagahan ng isinusulong ng Department of Health na naka-focus sa diet at physical activity, ang ‘Beat the Heat: Larong Pinoy Challenge’ ay isang mabisang paraan para mahikayat ang mga mag-aaral na magkaroon ng physicalactivity.

Tampok sa nasabing event ang traditional Filipino Games tulad ng patintero, luksong-tinik, luksong-baka, step yes-step no, agawan base, sack race, at tumbang preso.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa DOH Apayao, layunin nito na maging masaya ang mga mag-aaral sa nasabing aktibidad kasabay ng pagpapabatid sa kanila ng pagkakaroon ng healthy habits.

Hinikayat din ng tanggapan ang mga estudyante na yakapin ang ‘Larong Pinoy’ bilang alternatibo sa mga electronic games.

Iginiit nito na ang pagkahumaling sa mga devices ay nakakaapekto sa academics at over-all development ng mga estudyante kaya binuhay nila ang mga tradisyonal na mga larong Pinoy.