Naghahanda na ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa ibibigay na cash assistance sa mga probinsiyang naapektuhan ng Bagyong Odette.
Ayon kay Governor Manuel Mamba, kukunin sa 2022 budget ng probinsya ang ibibigay na donasyon sa Visayas region at inaantay lamang niya na maipasa ang naturang panukala.
Dagdag pa ng gubernador, nagkakaroon na rin ng pangangalap ng donasyon para sa relief efforts sa mga biktima ng bagyo sa pangunguna ng kanyang maybahay na si Atty. Mabel.
Ang naturang mga hakbang ay bilang pagbabalik sa mga tulong na kanilang ibinigay noong manalasa sa probinsya ang malalakas na bagyo.
Kabilang sa mga inayudahan ng probinsiya dahil sa mga kalamidad ay ang pamamahagi ng P2 milyon sa Batangas, P500,000 sa Batanes at Samar.
Bukod sa cash assistance na ibibigay, tinitignan din ni Mamba ang pagbibigay ng manpower para sa isasagawang rehabilitasyon sa mga lugar na labis na napinsala ng bagyo