Nakatakdang simulan ng Lalawigan ng Kalinga ang fogging o misting operations bilang bahagi ng dengue prevention and control program sa harap ng madalas na pag-ulan na posibleng magresulta sa pagtaas ng mga kaso ng dengue fever sa probinsiya.
Ito ay matapos tukuyin ng Office of the Provincial Health Officer at Environmental Health and Sanitation unit na pinamumunuan ni Nelson De Jesus at Provincial Epidemiology Surveillance Unit o PESU ng kalinga ang mga dengue hotspots sa naturang laawigan.
Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Edward Tandingan, layunin nilang mapahusay ang kapasidad ng mga komunidad sa paglaban sa sakit na Dengue Fever sa pagagamit ng pinakahuling teknolohiya.
Bahagi din sa isinagawang forum ang demonstrasyon sa paggamit ng Ultra Low Volume o ULV machine sa misting operations at pagtiyak na tutugon ang mga spraymen sa health safety protocols.
Kasabay na rin ito ng pagpapakalat ng kaalaman hinggil sa dengue fever at mga kaakibat na impormasyon partikular sa Dengue Prevention and Control Program.
Nagpasalamat si Dr. Tandingan sa Department of Health o DOH dahil ginawa itong posible na magkaroon ang probinsya ng ULV machines na siyang gagamitin sa province-wide misting operations.