Umabot na sa 675 ang na-ani na mga isda ng mga fisherfolks sa ginawang “Lambaklad” project sa karagatang sakop ng bayan ng Claveria Cagayan.

Ayon kay Crisanto Leano, chief ng capture fisheries section ng bfar region 2, layunin ng nasabing proyekto na matulungan ang mga mangingisda nang hindi kailangan pang pumunta sa gitna ng dagat upang manghuli ng mga isda.

Sinabi niya na naisipan nilang gawin ang nasabing proyekto dahil sa napansin nila na bumababa ang fish production sa Region 2.

Aniya, lahat ng mga fisherfolks ng Claveria ay magkakaroon rin ng kita sa kanilang mahuhuli at maibebentang mga isda.

Binibigyan tatlong oras sa pag-harvest ang mga benepisyaryo upang madaming makuha ang mga ito.

-- ADVERTISEMENT --

Upang matiyak ang sustainability ng Lambaklad, ang mga miyembro ng Claveria Federation of Fisherfolk Association ay hinihikayat na magsagawa ng regular na pagpapanatili at pagsubaybay tuwing makalipas ang 25 araw at suriin ang mga posibleng pinsala sa mga lambat at mooring system.

Sa oras naman aniya na may paparating na sakuna, maaaring tanggalin ang mga lambat at dalhin ito sa tuyong lupa para hindi masira ang mga ito.