Alitan sa lupa ang nakikitang motibo ng pulisya sa pamamaril ng riding in tandem sa barangay chairman at asawa nito sa bayan ng Lal-lo, Cagayan.
Kapwa nagtamo ng tama ng bala nang dipa mabatid na uri ng baril ang mag-asawang George at Elsie Perciano, residente ng Barangay San Mariano.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, pauwi na ang mag-asawang biktima lulan sa kanilang sasakyan nang sila ay buntutan at pinaputukan ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo sa bahagi ng Barangaya Magapit.
Matapos ang pamamaril, agad na tumakas ang mga suspek habang isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ang mga biktima.
Kaagad namang nagpakat ng mga checkpoints ang pulisya laban sa mga suspek.
-- ADVERTISEMENT --
Nilinaw ng pulisya na walang kaugnayan ang pulitika sa pamamaril.