Pansamantalang isinara sa mga motorista ang Buntun bridge at Namabbalan sa Tuguegarao City dahil sa patuloy na pag-apaw ng tubig sa Cagayan river.

Ayon kay PCOL Ariel Quilang, provincial director ng Cagayan PNP na ipinagbawal muna ang mga heavy vechicles at tanging pinapayagan lamang ang mga sasakyang papunta sa Manila at vice versa.

Bukod sa Tuguegarao City, ay marami na ring mga bayan sa lalawigan ang lubog sa tubig baha bunsod ng mga pag-ulan na dulot ng tail end ng cold front.

Inabot na rin ng baha ang himpilan ng Bombo Radyo Tuguegarao na dahilan upang pansamantalang mawala tayo sa himpapawid.

Nagpaabiso na rin ang pamunuan ng Magat dam na magpapakawala ito ng tubig na aabot sa 200cms., bukas Dec 6.

-- ADVERTISEMENT --

Inabisuhan ang mga residente na nakatira sa mga mabababang lugar at malapit sa ilog sa Isabela at Cagayan na maari pang madagdagan ang dami ng ire-release ng tubig depende sa lakas pa ng ulang mararanasan sa magdamag.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang isinasagawang monitoring ng mga lokal na pamahalaan sa mga apektadong pamilya