TUGUEGARAO CITY- Pinaghahanap ngayon ng rescue team ang isang lalaki na tumalon sa ilog sa Tuguegarao City.

Sinabi ni Cesario Pasicolan, kapitan ng Brgy. Cataggaman Viejo na lasing umano si Reymund Maraggun, 26 anyos ng tumalon siya sa ilog.

Ayon kay Pasicolan, sinabi umano ni Maraggun sa kanyang mga nakainuman na kukunin niya ang kanyang bangka na nasa ilog.

Dahil sa lakas ng current ng ilog, pabalik na sana si Maraggun subalit hindi na niya nakayanan na makabalik sa pampang.

Samantala, umaabot sa 374 families o 2, 618 individuals ang evacuees ngayon sa Cagayan dahil sa mga pagbaha kung saan ang pinakamalaking bilang ay sa Tuguegarao na 374 families o 1, 408.

-- ADVERTISEMENT --

Nagsasagawa naman ngayon ng massive at forced evacuation ang mga otoridad sa Amulung.

Ayon kay Mayor Elpidio Rendon katuwang nila sa operasyon ang Philippine Coast Guard.

Sinabi niya nasa 120 families na ang mga evacuees ng kanilang bayan na mula sa mga barangay na binabaha tuwing nagpapakawala ng tubig ang Magat dam.

Sinabi pa niya na may nirescue pa na manganganak sa barangay Abolo na agad na dinala sa ospital at maayos na nailuwal ng ina ang anak na isang babae.

Nananatili naman sa evacuation center ang ilang pamilya sa Baggao na inilikas sa pananalasa ng nagdaang bagyong Ulysses.

Samantala, hindi na madaanan ng mga light vehicles ang ilang kalsada sa Alcala.

Sinabi ni Roger Cabacungan ng DPWH na lubog na sa tubig-baha ang national highway sa Baybayog, Baculud at Centro.