Agaw atensiyon ang kakaibang kape sa China na may halong sahon ng sibuyas.

Marami ang nagkainteres na internet users sa isang video na ginagawa ang isang latte na may halong dahon ng sibuyas.

Sa paggawa ng nasabing kakaibang timpla ng kape, magdikdik muna ng mga dahon ng sibuyas sa isang baso, lagyan ng ice, gatas, at kape bago lagyan ng maraming toppings ng dahon ng sibuyas.

Walang nakakaalam kung saan at kailan ginawa ang spring onion latte, subalit nitong mga nakalipas na buwan, maraming coffee shops ang gumagawa ng nasabing timpla upang makakuha ng atensiyon online.

Isa lamang ito sa lumalaking bilang ng kakaibang kombinasyon na kilalang ‘dark cuisine’ sa China.

-- ADVERTISEMENT --

Ang dark cuisine ay tungkol sa pagkain at inumin na sinusubukan ang sensibilities ng mga tao.

Matatandaan na naging sikat din noon ang kape na may sili na tinawag na ‘hot ice latte’.

Nagbunsod ito ng iba’t ibang reaksion mula sa ilang tao.

May mga nagsabi na hindi sila kailanman hihingi ng onion-free coffee, habang ang iba ay naintriga sa nasabing kakaibang latte, subalit ayaw nila na magkaroon ng mabahong hininga.