
Naniniwala si Senador Win Gatchalian na hindi lang nakakaapekto sa kita ng bansa ang pagkakaroon ng illicit trade ng tobacco products dahil nagdadala rin ito ng masamang epekto sa kalusugan ng bawat indibidwal.
Kasunod nito, mariing iginiit ni Gatchalian na mahalagang matutukan at matuldukan ang anumang tobacco smuggling lalo pa’t may lumalabas na impomasyong mayroong high-ranking members ng uniformed perssonel ang posibleng sangkot dito.
Kaya para maresolba ito, naghain ng resolusyon ang senador sa Senado na naglalayong paimbestigahan ang anggulong ito.
Anya, mahalagang masilip ito bilang nakakaalarma ang napapabalitang pagkakasangkot ng ilang law enforcers dito na siyang dapat na tumutuligsa o lumalaban sa illegal na gawaing ito.
Sa ngayon, hindi pa naire-refer sa anumang komite ang resolusyon at wala pang iskedyul kung kailan tatalakayin sa Senado.










