
Inihayag ni US President Donald Trump na malapit na umanong makumpleto ang pangunahing “strategic objectives” ng Washington sa Iran war.
Sinabi ito ni Trump sa kanyang primetime address, mahigit isang buwan nang ilunsad ang pag-atake sa Iran.
Sa halos 20 minutong talumpati, inilarawan ni Trump ang atake ng Estados Unidos bilang paghihiganti sa halos kalahating siglo ng karahasan mula sa Iran at sa mga proxy nito, at iginiit na hindi dapat payagang magkaroon ang Iran ng nuclear weapon.
Ipinagmalaki niya ang mga tagumpay ng militar ng US sa nakaraang mga linggo, kung saan nag-iwan ito ng malaking pinsala sa Iran, lalo na sa kanilang mga pasilidad sa paggawa ng nuclear weapon, at paralisado na ngayon ang nasabing bansa.
Gayunpaman, wala siyang inilahad na bagong sagot sa pangunahing tanong ng maraming botante kung kailan matatapos ang digmaan.
HIndi rin niya idinetalye ang gagawing hakbang bago tapusin ang giyera, kabilang kung plano niya na magpadala ng ground troops sa para kunin ang enrichmed uranium ng Iran o kung ano ang kakayahan ng US na kontrolin ang Strait of Hormuz.
Para sa naman sa dimplomatic discussions na unang sinabi ni Trump na nagkakaroon ng progreso, wala siyang inilahad na bagong senyales ng kumpiyansa.
Sa halip iginiit lamang niya ang kanyang banta na palalakasin pa ang pag-atake sa power plants ng Iran.










