
Inamin ni Filipino international singer-actress at Broadway supertar na si Lea Salonga na hiwalay na sila ng kanyang asawang si Robert Chien, isang American businessman of Chinese-Japanese descent.
Sina Lea at Robert ay parehong 54 years old.
Gumaganap si Lea sa Les Miserables bilang Madame Thenardier.
Isiniwalat ng Broadway star ang estado ng relasyon nila ni Robert nang madako ang usapan tungkol sa nag-iisa nilang anak, ang trans actor na si Nic Chien.
Ayon kay Lea, maraming nakukuhang suporta si Nic mula sa mga nagmamahal sa kanya.
↓
Ito ay sa kabila ng “super busy” nila ni Robert.
Pagkatapos nito ay kinumpirma na nga ni Lea na hiwalay na sila ni Robert.
Hindi na nagbigay ng karagdagang detalye si Lea tungkol sa sanhi ng paghihiwalay nila ni Robert at kung kailan ito naganap.
Ikinasal sina Lea at Robert sa Cathedral of Our Lady of Angels, Los Angeles, California, noong January 10, 2007.
Noong April 2025, naging bukas si Lea tungkol sa kanyang transgender na anak.
Buong pagmamalaki ni Lea sa isang panayam na suportado niya ang kanyang 19 anyos na anak na babae, na kamakailan ay sinimulan nang testosterone matapos siyang lumantad bilang isang transmasculine sa edad na 14.










