Sumakabilang-buhay si Mercy Sunot, lead vicalist ng OPM rock band Aegis sa edad na 48 matapos ang pakikipaglaban sa breast at lung cancer.
Kinumpirma ng Aegis ang pagpanaw ni Sunot, kasabay ng pasasalamat sa kanyang malaking kontribusyon sa banda.
Ayon sa banda, ang boses ni Mercy ay hindi lamang bahagi ng Aegis, sa halip ang kanyang boses ay nagbibigay ng comfor, saya, at lakas sa marami.
Umapela ang banda sa kanilang fans na alalahanin si Sunot sa kanyang iniwan na musical legacy.
Bumubuhos ngayon ang tributes mula sa mga fans at mga kaibigan mula sa industriya para gunitain ang legacy at memory ni Sunot.
-- ADVERTISEMENT --