Nagtalaga ang Provincial Environment and Natural Resources ng Cagayan ng mga magbabantay at magmomonitor sa leatherback sea turtle na nangitlog sa coastal area ng Santa Ana, Cagayan.

Sinabi ni Enrique Pascion, pinuno ng nasabing tanggapan na kailangan na mahigpit na mabantayan at maprotektahan ang lugar kung saan nangitlog ang nasabing marine turtle upang matiyak na mapipisa ang mga ito.

Ayon sa kanya, unang nakita ang nasabing pagong noong May 30, ikalawa noong June 9 at noong June 18.

Sinabi ni Pascion na 45 hanggang 75 days depende sa temperatura ang pagpisa ng mga itlog ng nasabing pagong.

Idinagdag pa niya na kasing laki ng itlog ng native na manok ang itlog ng leather back turtle.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Pascion na kailangan na maprotektahan ang mga itlog ng nasabing pagong dahil maituturing na ito na endangered specie.