
Umabot na sa 8.7 meters ang ng lebel ng tubig sa Buntun bridge sa Tuguegarao City, ngayong Nobyembre 20, 2025, 6:00 PM, bunsod ng tuloy-tuloy na pag-ulang nararanasan sa lungsod at mga kalapit-probinsiya.
Malapit na ito sa critical level na 9 meters.
Dulot ng pagtaas ng tubig, ilang pangunahing kalsada sa lungsod ang hindi na madaanan kabilang ang Riverbank sa Bonifacio St., Centro 1; Riverpark sa Centro 10; Aguinaldo St. extension papuntang Pinacanauan; Gunnacao St. mula highway hanggang Pinacanauan; Fish Depot sa Centro 10; Taft St., Centro 5 patungong Gunnacao; at Macapagal Crossing sa Centro 10.
Hindi rin madaanan ang Pinacanauan Overflow Bridge dahil sa mataas na tubig.
Patuloy ang paalala sa mga residente na maging alerto at lumikas na mula sa mga lugar na mabababa, habang nagpapatuloy ang pag-ulan at pagtaas ng water level.










