Inihayag ng pamunuan ng magat dam reservoir sa bayan ng ramon, Isabela na pinapataas ng patuloy na pag-ulan ang lebel ng tubig sa dam na nagtitiyak ng sapat na suplay ng tubig para sa mga magsasaka sa lambak Cagayan ngayong panahon ng pagtatanim.

Iniulat ni Engineer Gileu Michael Dimoloy, manager ng National Irrigation Administration-Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS), na ang kasalukuyang elevation ng tubig ng pasilidad ay 184.36 metro, na lumampas sa critical low level na 176.8 meters

Ang Magat Dam na mahigit 40 taong gulang ay nagsisilbing pangunahing pinagmumulan ng irigasyon para sa humigit-kumulang 96,000 ektarya ng mga bukirin sa Isabela kung kayat isa ang lalawigan sa mga nangungunang producer ng mais at palay sa bansa.

nakaranas ang pasilidad ng all-time low water level na 171.97 metro noong tag-araw dahil sa El Niño phenomenon.

Ipinaliwanag ni Dimoloy na isinara nila ang pag-agos ng tubig sa reservoir mula Marso 15 hanggang Mayo 6 upang makatipid ng tubig para sa darating na panahon ng pagtatanim.

-- ADVERTISEMENT --