Inihayag ni Senadora Loren Legarda noong Huwebes na makikipag-usap siya kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III matapos lumabas ang balitang posibleng siya ang maging kauna-unahang babaeng Senate President.

Ayon kay Legarda, wala pa siyang ideya sa nasabing usapin kaya’t plano niyang linawin kay Sotto kung ano ang ibig niyang sabihin nang banggitin ang posibilidad na mahalal siya bilang Senate President pagsapit ng 2028 o sa pagtatapos ng ika-20 Kongreso.

Pinabulaanan din niya ang umano’y pag-uusap niya kasama ang ilang miyembro ng minority bloc nitong Miyerkules kaugnay ng tsismis sa pagbabago ng pamunuan ng Senado.

Ilang araw bago ito, sinabi ni Sotto na napigilan ng majority bloc ang isang tangkang pagpapalit sa kanyang puwesto bilang Senate President.

Sinabi rin ni Sotto na inalok umano kay Legarda ang posisyon, ngunit tinanggihan umano ito ni Legarda.

-- ADVERTISEMENT --