Pumanaw na ang legendary actor na si Donald Sutherland sa edad na 88.

Kinumpirma ito ng kaniyang anak na actor din na si Kiefer Sutherland kung saan mayroon ng matagal na dinaramdam ang ama.

Isinilang siya sa New Brunswick, Canada kung saan nagsimula siya sa pagiging radio news reporter bago umalis ng Canada at nagtungo sa London para mag-aral sa London Academy of Music and Dramatic Art.

Gumanap ito sa ilang mga British film at television.

Nagsimula siyang bumida sa pelikulang “The Dirty Dozen” na isang World War II action film noong 1967 at ang pelikulang “The Hunger Games: Mockingjay-Part 2” noong 2015.

-- ADVERTISEMENT --

Lumabas ito sa mga TV series na Dirty Sexy Money at Commander-in-Chief noong taong 2000.

Bagamat nakagawa na ito ng nasa 150 na pelikula ay wala siyang nominasyon sa Oscar Awards pero nakatanggap naman ng honoray sa Academy Award noong 2017.