Dead on the spot ang isang collector ng lending company na pinaniniwalaang biktima ng panghoholdap matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek, kahapon ng umaga sa Barangay Cabaruan, Tabuk City, Kalinga.

Kinilala ang biktima na si Ryan Christopher Subac, 23-anyos, Micro Finance Officer ng isang lending company na nakabase sa Bulanao at tubong Gonzaga, Cagayan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Tabuk City Police Station, matapos maningil ng pera sa mga barrowers ng kumpanya ay umalis din ang biktima, lulan ng kanyang motorsiklo.

Subalit habang binabagtas ng biktima ang provincial road sa Purok 3 ng Barangay Cabaruan ay bigla na lang itong tinambangan at pinagbabaril sa dibdib ng mga suspek, dahilan upang mawalan ito ng kontrol sa manibela at bumagsak sa palayan.

Nabatid na tinangay ng mga suspek ang bagpack na dala-dala ng biktima na naglalaman ng hindi pa matukoy na halaga ng nakolektang pera.

-- ADVERTISEMENT --

Bagamat naisugod pa sa Kalinga Provincial Hospital subalit idineklarang itong dead on arrival ng kanyang attending physician.

Narekober naman sa pinangyarihan ng pamamaril ang apat na basyo ng bala ng caliber 45.

Patuloy naman ang pagsisiyasat ng pulisya sa pagkakakilanlan ng mga suspek.