Humina na si Leon at isa na lamang itong bagyo mula sa super typhoon habang patungo ito sa Orchid Island sa southern Taiwan.

Huling namataan ang mata ng bagyo sa 155 kilometers north ng Itbayat, Batanes.

May taglay itong lakas ng hangin na 175 kph malapit sa gitna at pagbugso na 215 kph habang ito ay kumikilos pa-northwestward sa bilis na 235 kph.

Mula sa signal no. 5 at 4 sa ilang lugar sa Batanes, nakataas na lamang ngayon ang signal no. 3 sa nasabing lalawigan.

Nakataas naman ang signal no. 2 sa Babuyan Islands habang signal no. 1 sa Mainland Cagayan, Isabela, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, northern portion ng Benguet (Mankayan, Bakun, Buguias), Ilocos Norte, and Ilocos Sur.

-- ADVERTISEMENT --