Isa nang super typhoon si Leon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Huling namataan ang bagyo sa 360 kilometers east ng Calayan, Cagayan.
May taglay itong lakas ng hangin na 185 km/h malapit sa gitna at may pagbugso na 230 lm/h.
Kumikilos ito sa direksiyong west northwestward sa builis na 10 km/h.
Posibleng bahagya pa itong lumakas bago dumaan malapit sa Extreme Northern Luzon, partikular sa Batanes, mamayang gabi hanggang bukas ng umaga.
-- ADVERTISEMENT --
Dahil dito, pinag-iingat ang mga maaapektohan ng bagyo sa mga posibleng mga pagbaha at landslides dahil sa dala nitong mga pag-ulan at malalakas na hangin.