Isa nang bagyo si Leon at ngayon ay nasa karagatan ng silangan ng Cagayan

Huli itong namataan sa layong 555 kilometers sa silangan ng Tuguegarao City.

May lakas itong lakas na hangin na 130 km/h malapit sa gitna at may pagbugso na 160 km/h.

Ito ay kumikilos sa direksiyong west northwestward sa bilis na 10 km/h.

Nakataas ngayon ang tropical cyclone wind sigbal no. 2 sa mga sumusunod na lugar:

-- ADVERTISEMENT --

Batanes, Babuyan Islands, eastern portion of mainland Cagayan (Gattaran, Baggao, Lal-Lo, Aparri, Camalaniugan, Buguey, Santa Teresita, Gonzaga, Santa Ana, Peñablanca), at ang northeastern portion of Isabela (Divilacan, Palanan, Maconacon).

Signal no. 1 naman sa mga sumusunod na lugar:

Nalalabing bahagi ng mainland Cagayan, nalalabing bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Aurora, northern portion of Quezon kabilang ang Polillo Islands (General Nakar, Infanta, Real), Camarines Norte, eastern portion ng Camarines Sur (Tinambac, Siruma, Goa, Lagonoy, San Jose, Garchitorena, Caramoan, Presentacion, Tigaon, Calabanga, Saglay), Catanduanes, eastern portion ng Albay (Rapu-Rapu, Bacacay, City of Tabaco, Tiwi, Malilipot, Malinao, Santo Domingo, Manito), at ang northeastern portion ng Sorsogon (Prieto Diaz, City of Sorsogon, Gubat)

Tinatayang kikilos si Leon west northwestward ngayong araw na ito, at sa northwestward bukas hanggang sa mag-landfall sa eastern coast ng Taiwan sa Huwebes ng hapon o gabi.

Pagkatapos ang pagbaybay ng bagyo sa landmass ng Taiwan, kikilos ito pa-northward sa north northeastward sa Taiwan Strait papuntang east China Sea hanggang sa lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Huwebes ng gabi o Biyernes ng umaga.

Hindi inaalis ang posibilidad na muling mag-landfall ang bagyo sa mainland China.

Pinakamalapit ang bagyo sa Batanes sa pagitan ng Huwebes at madaling araw o hapon ng Biyernes.

Hindi rin inaalis ang posibilida na mag-landfall si Leon sa Batanes dahil sa tinatayang ito ay kikilos westward sa batay sa track forecast.