TUGUEGARAO CITY- Aminado ang National Commission on Indigineous Peoples o NCIP sa Cagayan na mababa pa ang level ng empowerment sa mga miembro ng ng inddigineous people o mga katutubo.
Sinabi ni Ernesto Mendoza, director ng NCIP-Cagayan na ito ay sa kabila na ng mga programa ng mga pamahalaan at tulong mula sa mga civil soceity groups at non- government organizations.
Ayon kay Mendoza na marami pa rin kasi sa mga IPs ang pinipili na manatili sa mga kabundukan o kagubatan upang ipaglaban ang kanilang mga lupain.
Sinabi niya na ang nakikita nilang problema sa pag-angat sa buhay ng mga katutubo ay ang kahirapan at kawalan ng pormal na edukasyon.
Isa aniya sa dahilan ng hindi pagpasok ng ilang katutubo sa mga paaralan ay ang diskriminasyon.
Dahil dito, sinabi niya na target ng NCIP na maidokumento ang lahat ng mga mga katutubo at ang kanilang tinitirhan upang mabilis na maibigay sa kanila ang mga tulong ng pamahalaan at iba pang grupo.