
Kinumpirma ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste noong Huwebes na siya ay humiling ng pagkikita kay Senate Blue Ribbon Committee Chairperson Sen. Panfilo Lacson upang humingi ng gabay hinggil sa tinaguriang Cabral files.
Ang mga file na ito ay umano’y naglalaman ng listahan ng 2025 infrastructure allocations at ang mga proponents nito, na umano’y hawak ng yumaong DPWH undersecretary na si Maria Catalina “Cathy” Cabral.
Itinanggi ni Leviste na siya ay umiiyak sa kanyang ina, si Senator Loren Legarda, matapos ang backlash sa kanyang pahayag tungkol sa mga Cabral files.
Dagdag pa niya, ang dahilan kung bakit nakipag-ugnayan ang kanyang ina kay Lacson ay dahil mas nakikinig siya kay Lacson kaysa sa kanyang ina.
Binanggit niya rin na si Lacson ang unang nagbunyag na may mga allocables sa DPWH budget ang ilang miyembro ng 19th Congress, kabilang ang “at least 5 cabinet secretaries and undersecretaries,” na nakatala sa mga Cabral Files na nasa kopya rin niya.
Nagpasalamat si Leviste sa suporta ni Lacson at sa hakbang ng Senado at Kamara na mag-isyu ng subpoenas para sa Cabral Files, upang masiguro ang authenticity ng mga dokumento at maipakita sa publiko kung paano nagastos ang pondo ng DPWH.
Ibinahagi naman ni Lacson na nag-message si Senator Legarda sa kanya upang humiling na mabigyan ng payo ang anak tungkol sa sitwasyon at maibsan ang tensyon.









