Nagpadala si Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste ng opisyal na liham kay Sen. Erwin Tulfo, ang tumatayong chair ng Senate Blue Ribbon Committee matapos ang reorganisasyon sa Senado.

Nais ng bagitong kongresista na magpresenta ng mga dokumento at testimonya na may kinalaman sa bilyon-bilyong pisong iregularidad sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sinabi ni Leviste na nagpapasalamat siya sa Senado dahil patuloy silang nagtatrabaho at nag-iimbestiga kahit naka-session break o recess ang Kongreso.

Ayon kay Leviste, nais niyang tumulong sa pagiimbestiga sa flood control projects.

Maliban naman kay Tulfo, ipinadala rin ni Leviste ang sulat sa iba pang mga senador.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, hinimok ni Tulfo si Leviste na magsumite muna ng sinumpaang salaysay o affidavit.

Ikukumpara ng Senado ang impormasyon ni Leviste sa naunang ulat ni dating Sen. Ping Lacson upang maiwasan ang pag-uulit ng mga datos na nakalap na sa imbestigasyo