Tuguegarao City- Palaisipan pa rin sa Local Government Unit (LGU)ng Baggao kung kanino nahawa ng virus si PH7918 matapos magpositibo ito sa COVID-19 kamakailan.

Sa panayam kay Mayor Joanne Dunuan, kwestiyonable sila dahil wala umanong ibang lugar na pinuntahan si PH7918 maliban lamang sa lungsod ng Tuguegarao partikular sa CVMC.

Gayon pa man, kailangan aniya ang pag-iingat at bahagi nito ang mahigpit ang implimentasyon ng mga “precautionary measures” sa kanilang bayan upang matiyak na mapigilan ang pagkalat ng virus.

Ayon kay Dunuan, nasa mandatory quarantine pa rin ang nasa mahigit 20 kataong nakasalamuha ni PH7918 kung saan ay stable naman ang kalagayan at walang nakikitang sintomas ng sakit.

Nananatili namang nakasailalim sa total lockdown ang Brgy. Tallang at Remus sa naturang bayan at magtatapos ito sa May 11.

-- ADVERTISEMENT --

Muli ay tiniyak naman ni Dunuan ang sapat na ayuda para sa mga residenteng apektado ng lockdown sa nasabing lugar.

Giit pa nito, bagamat nagbukas na ang ilan sa mga essential business establishments sa Baggao ay mahigpit pa rin ang mga otoridad sa pagpapatupad ng mga protocols at guidelines laban sa COVID-19.

Nanawagan pa ito sa publiko na panatilihin ang kalinisan at pagsunod sa mga alituntunin upang makaiwas sa virus na dulot ng COVID-19.