TUGUEGARAO CITY-Magsasagawa ng tree planting ang Local Government Unit (LGU)-Baggao kasabay ng selebrasyon ng anibersaryo ng “billion tree planting and growing project” ng naturang bayan.
Kaugnay nito, nasa 25,000 pamilya sa naturang bayan ang mabibigyan ng seedlings kung saan ang mga barangay officials ang naatasan na magbigay sa bawat pamilya.
Ayon kay Menro Officer na si Frederick Tomas ng Baggao, gaganapin ang naturang aktibida sa ika-11 ngayong buwan ng Oktubre.
Aniya, galing sa municipal nursery ng baggao ang mga seedlings tulad ng mahogany, Narra, G-melina at iba pa na itatanim.
Nabatid na bago ang naturang aktibidad ay unang magtatanim ang mga kawani ng LGU-Baggao sa Baggao ecological and economic zone sa Barangay San Francisco sa ika-10 ngayong buwan.
Nasa 1,500 na G-melina seedlings ang kanilang itatanim bilang bahagi ng industrial tree plantation project ng LGU.
Kasabay nito, tiniyak ni Tomas na kanilang susundin ang mga nakalatag na alituntunin kasabay ng kanilang mga aktibidad bilang pag-iingat sa covid-19.