Tuguegarao City- Tinututukan ngayon ng Local Government Unit (LGU) Baggao ang pagpapatupad ng mga pracautionary measures sa mga umuuwing residente sa ilalim ng “Balik Probinsya Program”.

Ito ay bahagi ng ginagawang pag-iingat upang maiwasan ang pagkalat ng virus na dulot ng COVID-19.

Sinabi ni Mayor Joanne Dunuan, na sa huling datos ay nakapagpauwi na sila ng nasa humigit kumulang 100 na mga residenteng kinabibilangan ng mga LSI sa Manila, mga OFWs at mga residenteng na stranded sa ibang minisipalidad.

Aniya, patuloy rin ang kanilang hanay sa paghahanda ng mga quarantine facilities upang may matuluyan ang mga residenteng dapat sumailalim sa mandatory quarantine.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi pa ni Dunuan na bumuo na rin sila ng grupo na mangangasiwa at mag momonitor sa pagdating ng mga LSI sa kanilang bayan.

Samantala, sa ngayon ay inaayos na rin aniya nila ang nakatalagang terminal ng mga pampasaherong van sa kanilang bayan upang makapamasada na sakaling magbigay ng direktiba ang LTFRB.

Ayon sa alkalde ay bumuo na rin sila ng United Van Baggao Operators upang matiyak na magkaisa ang mga tsuper sa pagsunod sa mga alituntunin sa pamamasada.

Tiniyak naman nito ang pagkakaroon ng mga sanitizing kits at iba pang mga gamit sa terminal upang labanan ang banta pa rin ng COVID-19.