Binigyang pagkilala ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang sampung bayan sa rehiyon dos para sa maayos na pagsasakatuparan ng mga Locally Funded Projects sa SubayBayan Portal para sa buwan ng Abril 2021.

Top Performer sa naturang programa ang bayan ng Diffun, Quirino na nakakuha ng compliance rating na 100% sa kauna-unahang pagkakataon habang nasungkit naman ng bayan ng Aglipay, Quirino ang ikalawang pwesto.

Pasok naman sa ika-sampung pwesto ang bayan ng Sabtang sa Batanes; 9th place ang bayan ng Solana, Cagayan; 8th place ang bayan ng Peรฑablanca, Cagayan; 7th place ang bayan ng San Mariano, Isabela; 6th place ang Ivana, Batanes; 5th place ang Naguilian, Isabela; 4th place ang Uyugan, Batanes; at 3rd place ang Calayan, Cagayan.

Ayon kay DILG RO2 Director Jonathan Paul Luesen, bukod sa pagiging lagakan ng impormasyon, mamamatyagan ng publiko ang kalagayan ng mga proyekto sa kanilang mga local government unit (LGUs) sa pamamagitan ng SubayBAYAN na isang online platform para matiyak na nagagamit ng wasto ang pondo ng gobyerno.

Aniya, maghahatid ito ng real-time information tungkol sa ibaโ€™t-ibang proyekto pagdating sa physical at financial status nito, aktwal na lokasyon ng proyekto at maari ring magbigay ng feedback.

-- ADVERTISEMENT --

Maaring ma-access ang Subay-Bayan sa official website ng DILG na www.dilg.gov.ph