Pinaniniwalaang inatake ng kanyang anxiety disorder ang dahilan ng pagkalunod ng isang LGU employee sa Matalag river sa bayan ng Rizal, Cagayan.

Kinilala ang nasawing biktima na si Analyn Ayad, 50-anyos, may-asawa at residente ng Gagabutan East sa naturang bayan.

Ayon kay PMSgt George Matalang ng PNP-Rizal, mula noong 2021 ay nakaranas na ng anxiety ang biktima kung saan nitong mga nakalipas na araw ay nagtangka na rin itong magpakamatay.

Sa imbestigasyon, natagpuan ng kanyang asawa ang biktima na nakalutang sa ilog sa Brgy Gagabutan West kung saan ito laging pumupunta para kumuha ng talaba.

Kumbinsido naman ang pamilya na nalunod ang biktima na posibleng dahil sa pag-atake ng kanyang sakit.

-- ADVERTISEMENT --