Tuguegarao City- Nakatakdang makipagpulong si Mayor Miguel “Jhun” Decena ng Enrile sa Regional Inter-Agency Task Force upang hilingin ang extension ng Modified Enhanced Community Quarantine sa kanilang bayan.

Ito ay bilang bahagi na rin ng pag-iingat upang ma-contain ang pagkalat ng covid-19 sa kanilang bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Mayor Decena, umabot na sa 97 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa lugar kung saan 54 dito ang active cases kabilang na ang mga miyembro ng PNP Enrile.

Sinabi nito na 4 sa mga active cases ang symptomatic na nasa CVMC at 50 naman ang asymptomatic na kasalukuyang nasa isolation facility ng Enrile.

Inihayag pa nito na sumailalim din sa swab test ang nasa 18 na miyembro ng BFP Enrile at nagnegatibo naman ang mga ito sa virus.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon pa kay Decena, nakatakda ng alisin ngayong araw hanggang bukas Oktubre 21 ang ipinatutupad na mga zonal containment strategy sa ilang mga barangay ng Enrile na unang nakapagtala ng mga local transmission.