Nakatuon ang lokal na pamahalaan ng Enrile sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon sa pagpapalakas ng ekonomiya at edukasyon sa pamamagitan ng “Open Business Policy” at programa para sa mga paaralan.

Ayon Mayor Miguel Decena, layunin ng LGU na alisin ang red tape at korapsyon upang maging kaaya-aya ang takbo ng negosyo sa kanilang lugar.

Binigyang-diin nito na hindi sila humihingi ng kahit piso mula sa mga investors, kapalit lamang ng prayoridad na trabaho para sa mga residente ng Enrile.

Dagdag pa rito, target ng pamahalaan na magkaroon ng sariling solar-powered aircon system ang mga pampublikong paaralan.

Sinabi ni Decena, layunin nitong masolusyunan ang problema sa init at brownout na nakakaapekto sa konsentrasyon ng mga mag-aaral at guro.

-- ADVERTISEMENT --