Magsasagawa bukas ng dis-infection sa pamilihang bayan at iba pang pampublikong gusali ang pamahalaang lokal ng Iguig, Cagayan
Ayon kay Mayor Ferdinand Trinidad gagawin ang pagdi-disinfect sa loob ng isang linggo bilang bahagi ng paglaban sa posibleng pagkalat ng corona virus disease.
Bukod sa public market, isasailalim din sa dis-infection ang tanggapan ng PNP, Rural Health Unit, Munisipyo, Barangay halls, eskuwelahan at simbahan.
Tiniyak ni trinidad na prayoridad ang kalinisan sa pag-iwas sa COVID-19 kung kaya isasagawa din ang pagkakaroon ng kada barangay na schedule sa pamamalengke para masunod ang ipinatutupad na social distancing na nakapaloob sa enhance community quarantine.
Ililipat din sa ibang lugar ang mga nagtitinda ng gulay sa palengke para maiwasan ang siksikan ng mga mamimili.
Vc Trinidad A March 21
Sinabi naman ni Patrick Doliente, market administrator na maglalagay ng walong tent sa katabing lugar ng vegetable, meat at fish section kung saan pansamantalang pupuwesto ang ilang mga nagtitinda
Ipagbabawal na rin ang pamamasada ng tricycle simula bukas para malimita ang paglabas ng mga tao.
Ayon kay Trinidad na walang dapat ipag-alala ang mga lalabas na bibili ng kanilang pangunahing pangangailangan dahil may sasakyan na ilalaan ang lokal na pamahalaan.
Samantala, inihayag ni Trinidad na mahigpit ang isinasagawang monitoring sa mga ikinokonsiderang persons under monitoring at persons under investigation sa COVID-19.
Mahigpit din na ipinapatupad ang curfew hours mula alas 8:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng madaling araw.