Nagsagawa ng boodle fight ang lokal na pamahalaan ng Laurel, Batangas upang patunayan na ligtas kainin ang mga isdang mula sa Lawa ng Taal.

Sa nasabing aktibidad, inihain ang inihaw na bangus at tilapia na nahuli mismo mula sa lawa.

Dahil sa patuloy na isinasagawang search operation para sa mga nawawalang sabungero, bumaba ang tiwala ng mga mamimili sa mga isda mula sa Laurel.

Bilang resulta, naapektuhan ang kabuhayan ng mga lokal na mangingisda at malaki ang kanilang nalugi.

Samantala, nasa ikapitong araw na ang search operation ng mga awtoridad sa Taal Lake.

-- ADVERTISEMENT --

Tumutulong na rin ang isang remotely operated vehicle (ROV) sa mga diver upang mas mapabilis ang paghahanap.

Sa kasalukuyan, limang sako na ang narekober mula sa lawa.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon upang matukoy ang koneksyon nito sa mga nawawalang sabungero.

Sa huli, umaasa ang lokal na pamahalaan ng Laurel na sa pamamagitan ng boodle fight, muling mabubuhay ang kumpiyansa ng publiko sa mga produktong isda mula sa kanilang bayan.