Aprubado na ng konseho ng Tuguegarao City ang ibat-ibang aktibidad sa inaabangang 2022 Pavvurulun Afi Festival na magsisimula sa August 1 hanggang 16.

Ayon kay City Councilor Claire Callangan, chairperson ng Committee on Culture, Arts and Tourism na ang ibat-ibang aktibidad para sa selebrasyon ng patronal fiesta ngayong taon ay may kabuuang pondo na P9.5 milyon na pamumunuan ng mga department heads.

Kabilang sa mga inaprubahang aktibidad para sa dalawang linggong selebrasyon ay ang Trade Fair na isasagawa sa Tuguegarao City Commercial Center at sa isang malaking mall sa lungsod, mga sporting events na kasama ang LGBT community, Ms. Tuguegarao, pancit festival, concerts, LGU at Brgy Night at marami pang iba.

Kabilang din sa kahilingan ng alkalde ang pagsasagawa ng fiesta baratilyo subalit naisangguni ito sa Market Committee.

habang ang aktibidad para sa motorcross ay hindi pinayagan, sa halip ay isasagawa na lamang ang Fun Bike dahil sa napaka-iksing preparasyon at sa pagsaalang-alang sa pandemya kung saan ang mga iimbitahang bisita ay mula pa sa Metro Manila.

-- ADVERTISEMENT --

Gayonman sinabi ni Callangan na ang motorcross ay isasagawa na lamang sa City Charter Day sa buwan ng Disyembre.

Samantala, iimbitahan bilang panauhing pandangal sa Ms Tuguegarao si Sen. Imee Marcos.