Tuguegarao Mayor Jefferson Soriano steps down from office. Photo by Raymon Dullana/Rappler

TUGUEGARAO CITY- Ipauubaya na ni Mayor Jefferson Soriano ng Tuguegarao City sa mga barangay officials ang pagpapanatili ng malinis na mga lansangan kasunod ng isinagawang road clearing operations.

Nagbabala si Soriano na kung babalik ang mga obstruction sa mga kalsada na hindi nakita o inaksionan sa isang barangay, ay ang mga barangay officials ang sasampahan ng kasong administratibo dahil sa pagpapabaya sa trabaho.

Sinabi ni Soriano na bibigyan ng mga kagamitan ang mga barangay officials na magagamit sa pagmiminti ng malinis na mga lansangan upang wala silang maging rason sa pagpapatupad ng kanilang tungkulin.

Ayon kay Soriano, hindi CCTV camera ang ilalagay sa mga barangay dahil sa maglalagay na din sila ng CCTV camera sa PNP Tuguegarao katulad ng nasa command center ng pamahalaang panlungsod.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, hihilingin ni Soriano sa sangguniang panlungsod na magpasa ng ordinansa na magbibigay daan para itaas ang binabayaran sa citation ticket sa mga pasaway na patuloy na lumalabag sa road clearing.

Ayon sa kanya, mula sa P200 ay gagawin na itong P500 hanggang P800.

ang tinig ni Mayor Soriano