Tuguegaerao City- Nakatakdang tumanggap muli ng mga Locally Stranded Individuals (LSIs) ang LGU Tuguegarao para sa mga residenteng manggagaling ng Metro Manila.
Ito ay magsisimula sa ika-27 ng Pebrero ngayong taon.
Sa panayam kay Atty. Jonanette Edillo-Siriban, tagapagsalita ng City Government ng Tuguegarao, bukas ang kanilang command center hotline no. na 0956-347-7981 para sa pakikipag-ugnayan ng mga nais umuwi sa lungsod.
Aniya, isang coster bus ang itinalagang susundo sa mga LSIs kung saan dalawang beses lamang ang pagbalik nito sa Metro Manila sa mga araw ng Miyerkules at Sabado.
Sinabi pa ni Siriban na limitado lamang sa hanggang 12 na pasahero ang isasakay ng coaster upang mapanatili ang social distancing.
Kabilang sa mga requirements na dapat isecure ng isang LSI na nais umuwi ay ang travel authority na kukunin sa PNP station kung saang bayan o siyudad sila mangagagling.
Dagdag pa rito ang certificate of acceptance na mangagaling naman sa LGU Tuguegarao.
Ngunit, sinabi ni Siriban na kailangan mag-apply tatlong araw bago ang nakatakdang pag-uwi nito para maiproseso agad.
Isinailalim din aniya sa briefing ang mga personnel na mangangasiwa sa pagpapa-uwi ng mga LSI upang matiyak na masusunod ang mga panuntunan laban sa COVID-19.
Ihahatid naman ng mga PNP personnel ang mga LSI sa nakatalagang centralized processing center upang doon suriin ang mga kaukulang dokumentong ipiprisinta bago ihatid sa mga quarantine facility.
Maaari din umanong mamili ng isang LSI kung nais nitong tumuloy sa government quarantine facility ng lungsod o sa hotel ngunit sasagutin nito ang gastusin.
Nakapaloob sa panuntunan na kailangan nilang sumailalim sa 14 day mandatory quarantine pagdating sa lungsod at pagkatapos ng anim na araw ay kailangang magpa-swab test at kung negatibo ay maaari na silang magpatuloy para sa home quarantine.
Para naman sa mga Returning OFWs ay isasailalim na sila ng OWWA sa mandatory quarantine pagkarating ng bansa at pagkatapos ng limang araw ay kukuhanan sila ng swab test.
Kung sakaling nagnegatibo sa virus ay ieendorso na sila sa uuwiang municipalidad o siyudad upang payagan sila para sa home quarantine.
Kabilang sa mga hahanaping dokumento ng LGU Tuguegarao ay ang kanilang certificate of completion at resulta ng swab test.
Pag-uwi ng Cagayan ay hahanapan naman sila ng Certificate of completion at
Ngunit, inihayag nito na kung sila ay mamamalagi sa Maynila pagkatapos ng kanilang quarantine period ay dadaan muli sila ng quarantine period pag-uwi ng Tuguegarao.
Bahagi ng monitoring ay lalagyan ang lahat ng mga LSIs at ROFWs ng wristband at indelible ink sa daliri upang sakaling lumabas sila ay agad na matutukoy ng mga otoridad.
Babala ni Siriban na sinumang hindi susunod sa mga nakalatag na panuntunan ay papatawan ng multang nagkakahalaga ng P5k.