

Tugeugrao City- Nakahandang sumunod ang LGU Tuguegarao sa panuntunang inilatag ng national government kaugnay sa pagsasara ng mga sementeryo sa Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4 ngayong taon.
Ito ay upang matiyak na maiwasan ang pagkalat ng virus sa lungsod ng Tuguegarao.
Sa panayam kay Acting Mayor Bienvenido De Guzman, magiging alerto aniya ang kanilang tanggapan upang matiyak na lahat ay susunod sa inilabas na guidelines.
Hinikayat nito ang mga residente na ngayon pa lamang ay umpisahan ng bisitahin at linisin ang puntod ng mga mahal sa buhay.
Nakatakda aniya silang magpulong upang pag-aralan ang mga ilalatag na alituntunin.
Kaugnay nito ay inalerto niya ang mga opisyal ng barangay, traffic management group at iba pang concerned agencies na magbantay sa mga sementeryo sa lungsod.
Paliwanag niya na sakaling payagan ng muli ang pagbisita sa mga puntod ay lilimitahan lamang ang mga dapat pumasok at kailangang nakasuot pa rin ng mga protective gear laban sa COVID-19.










