TUGUEGARAO CITY-Naka-preposition na ang mga kagamitang pang-rescue ng lungsod ng Tuguegarao bilang paghahanda sa Semana Santa.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Choleng Sap, head ng City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) na magsisimula silang magtaas ng blue alert status bago ang Semana Santa dahil sa inaasahanag pagdagsa ng publiko sa mga ilog at ilang pook pasyalan sa lungsod.

Pagsapit ng Huwebes Santo hanggang Sabado De Gloria ay itataas ng CDRRMO ang kanilang alerto sa red alert status at ibabalik sa blue alert pagsapit ng Easter Sunday.

Sinabi ni Sap na inihahanda na ng ahensiya ang deployment ng nasa pitumpung bilang ng mga rescue teams para sa pagbabantay ng seguridad ng publiko

Tiniyak din ni Sap na handa ang kanilang emergency response services at ang kanilang personnel na aalalay sa publiko.

-- ADVERTISEMENT --

Umaasa si Sap na makikiisa ang publiko sa kampanya ng mga otoridad na gawing maayos at mapayapa ang obserbasyon ng Semana Santa ngayong taon.