Police Brig. General Jose Mario Espino,Director ng PNP Region 2

TUGUEGARAO CITY-Hinamon ng Police Regional Office no.2 ang lahat ng Local Government Unit (LGUs)na magtayo ng “balay silangan” bilang pakikiisa sa pagsugpo sa illegal na droga.

Ayon kay Police Brig. General Jose Mario Espino,Director ng PNP Region 2 ito’y magsisilbing manifesto ng kanilang pakikiisa sa paglaban sa illegal na droga.

Aniya,napakalawak na ang impluwensiya ng illegal na droga sa bansa kung kaya’t kailangan ang pagkakaisa para ito’y malabanan.

Dagdag pa Espino, napakalaking accomplishment umano ang supply reduction ng illegal na droga sa rehiyon pero mas maganda umanong pagtuunan ng pansin ang “demand reduction” Dahil apektado narin ng illegal na droga ang mga nasa government position.

Samantala, nanawagan din si Espino sa Department of Education (DEPED )na ilagay sa curriculum ang epekto ng ilegal na droga para mabigyan ng malalimang kaalaman ang mga kabataan sa epekto ng ipinagbabawal na gamot.

-- ADVERTISEMENT --

Aniya, hindi na umano lingid sa kaalaman ng lahat na maging ang mga kabataan ay naiimpluwensiyahan na rin ng illegal na droga.

Kaugnay nito ,nagbabala ang opisyal sa mga nagtutulak ng illegal na droga na itigil na at huwag nang hintayin na maging target sa operasyon.