Patuloy na tumatanggap ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 02 ng mga pangalan ng family-beneficiaries na hindi naibilang sa 1st tranche ng Social Amelioration Program ng pamahalaan.

Ito’y matapos hindi na mapabilang ang Region 02 sa mapagkakalooban ng ikalawang bugso ng SAP.

Ayon kay Jeanette Lozano, tagapagsalita ng DSWD RO2 na tanging ang mga ‘lefout families’ o waitlisted households na kwalipikado sa panuntunan ng ahensiya at hindi nakinabang sa alinmang assistance packages ng iba pang government agencies ang mabibigyan ng 2nd wave ng SAP.

Tinig ni Jeanette Lozano, tagapagsalita ng DSWD RO2

Sa ngayon, sinabi ni Lozano na nasa mahigit 30,000 leftout households na ang naisumite ng mga lokal na pamahalaan sa DSWD at madadagdagan pa ito sa mga susunod na araw.

Tiniyak ni Lozano ang masusing validation sa isusumiteng listahan ng LGU’s ng mga beneficiaries ng SAP, at isasailalim sa cross-matching upang matukoy kung may natanggap silang ibang ayuda sa mga ahensya ng gobyerno.

-- ADVERTISEMENT --

Makatatanggap ng P5,500 ang mga benepisyaryo sa rehiyon kung saan hinimok ng DSWD ang publiko na isumbong sa kanila ang mga tiwaling opisyal sa pamimigay ng SAP.

Tinig ni Jeanette Lozano, tagapagsalita ng DSWD RO2