TUGUEGARAO CITY- Umaasa ang Liberal Party na mapagtatagumpayan ni Vice President Leni Robredo ang war on drugs matapos niyang tanggapin ang hamon na pangunahan ang ang war on drugs.

Sinabi ni dating Congressman Erin Tañada, vice president for external affairs ng LP na tinanggap ni Robredo ang hamon sa kabila na hindi niya alam kung anong kapangyarihan ang ibibigay sa kanya bilang co-chair ng Inter-agency Committee on Anti-illegal Drugs.

Ayon kay Tañada, dedepende ang tagumpay ni Robredo sa tulong na ibibigay sa kanya ng mga miembro ng ICAD at ng administration.