TUGUEGARAO CITY- Aapela ang Sangguniang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan kay Pangulong Rodrigo Duterte upang huwag sang-ayunan ang liberalization ng asukal.
Ito ay sa pamamagitan ng inihaing resolusyon ni Board Member Mila Lauigan.
Sinabi ni Lauigan na tiyak na makakaapekto sa mga lokal na magsasaka ang liberalization ng asukal tulad nang nararanasan ngayon ng mga magsasaka na umaaray dahil pagpapatupad ng Rice Tarrification Law na nagpababa sa presyo ng palay.
Ayon sa kanya, layunin ng resolusyon na maprotektahan ang mga lokal na magsasaka ng asukal.
Ipinanukala ng Department of Finance ang liberalization ng importation ng asukal para umanoy maging competetive ang industriya at ng downstream sectors nito.
Sinabi ni DOF Undersecretary at Chief Economist Gil Beltran, dapat na tanggalin ang quantitive restrictions sa sugar imports at sa halip ay magpataw ng taripa upang mapababa ang presyo ng asukal at mapaunlad ang food processing industry.