Libreng ipapamahagi ng pamahalaang lungsod ng Tabuk City, Kalinga ang mga binhi at mga makinaryang pansakahan sa mga magsasaka bilang tugon sa epekto ng rice tarrification law.
Ayon kay City Agriculturist Julibert Aquino, target nilang mabigyan ng mga binhi, tractor, combine harvesters at tresher ang mga organisasyon ng mga magsasaka upang mapataas ang kanilang production at mapababa ang farm inputs.
Sa ilalim rian ng programa, magpapatayo ng farm services ang gubyerno na pangangasiwaan ng mga kooperatiba ng mga magsasaka bilang tugon sa napakataas na interest na ipinapataw ng mga private traders sa mga pautang.
Mabibigyan ang mga ito ng P20 million grant para sa trainings, farm machineries, equipment, at facility.
Nakapaloob din sa rice road map ang pagsasaayos sa mga irrigation canal at konstruksiyon ng mga diversion dams, irrigation pumps at solar-powered irrigation systems.