
Isang panukalang batas ang inihain sa Kamara na nagsusulong ng libreng electricity sa mga mababa ang consumption sa bansa, para makatulong sa mga pamilya na may maliit na kita.
Hiniling ni Majority Leader Ferdinand Alexander Marcos sa kanyang mga kapwa kongresista na suportahan ang kanyang inihaing House Bill No. 2700, o ang proposed Free Electricity for Low-Consumption Households Act.
Kung magiging ganap na batas, hindi na magbabayad ng kanilang bill sa kuryente ang mga consumer na may average na buwang consumption na mas mababas sa 135 kilowatt-hours para unang tatlong buwan, o ang kanilang buwanang bill ay hindi lalampas sa P2,000.
Sinabi ni Marcos na kung maipapasa ang panukalang batas, pagpapatibay ito ng Kongreso na ang elektrisidad ay isang pangangailangan na dapat na maging abot-kaya at accessible sa lahat.
Dahil dito, sinabi ni Marcos na para mapagaan ang buhay ng low-income households ay kailangan na magkaroon ng subsidy scheme.










