CVMC

Nagsimula na ang screening at registration para sa dalawang araw na libreng operation sa thyroid o pagtanggal ng goiter sa leeg at parotid gland na isasagawa sa Cagayan Valley Medical Center.

Ayon kay Remshel Cabantog, Health Education and Promotion Unit (HEPU) ng CVMC na mula sa target na 24 patients ay mayroon nang 13 pasyente ang kanilang na-screen na sasalang sa operasyon na magsisimula sa April 21 hanggang 22.

Bukas pa rin ang registration para sa mga gustong magpa-opera kaya magtungo lamang sa OPD Surgery Clinic ng CVMC mula Lunes hanggang Biyernes, maliban kung holdiday, para magpakonsulta at ma-schedule ang operasyon.

Magdala lamang ng ID at dapat siguraduhing walang sintomas ng COVID-19 bago pumunta sa OPD-triage at bukas ito sa anumang edad at sa mga residente sa kalapit na lalawigan.